Skip to main content

Posts

Featured

ALAMAT ng HUNYANGO

ALAMAT NG HUNYANGO Noong Unang Panahon, sa isang liblib na nayon may isang babaeng laging laman ng balita. Siya si Hulia, isang ulilang lubos na naging libangan na ang makipag-usap o sumagap ng tsismis sa buhay ng ibang tao kaya binansagan siyang Huliang Balatkayo. Dahil nga walang magulang nililibang na lang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-usisa sa buhay ng iba.  Isang araw nakita niya si Aling Rosing na nagmemeryenda habang namamasyal sa parke, nilapitan niya ito, kinausap at may ipinagtapat na sikreto. Sinabi niya na ang kaibigan nitong si Aling Pacing ay sinisiraan siya at ipinagkalat sa iba na siya ay isang pabayang ina at asawa dahil inaatupag lang niya ang pagsusugal. Ikinabigla ni Aling Rosing ang mga narinig. Hindi niya inaakalang magagawa iyon ng kanyang kaibigan. “Bakit hindi niya sa akin sinabi ng harapan kung matapang talaga siya, humanda siya at magtutuos kami, Salamat sa ibinalita mo Hulia” sambit ni Aling Rosing. Lumisan si Hulia na nakatawa at nag

Latest Posts