ALAMAT ng HUNYANGO


ALAMAT NG HUNYANGO

Noong Unang Panahon, sa isang liblib na nayon may isang babaeng laging laman ng balita. Siya si Hulia, isang ulilang lubos na naging libangan na ang makipag-usap o sumagap ng tsismis sa buhay ng ibang tao kaya binansagan siyang Huliang Balatkayo. Dahil nga walang magulang nililibang na lang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-usisa sa buhay ng iba.
 Isang araw nakita niya si Aling Rosing na nagmemeryenda habang namamasyal sa parke, nilapitan niya ito, kinausap at may ipinagtapat na sikreto. Sinabi niya na ang kaibigan nitong si Aling Pacing ay sinisiraan siya at ipinagkalat sa iba na siya ay isang pabayang ina at asawa dahil inaatupag lang niya ang pagsusugal. Ikinabigla ni Aling Rosing ang mga narinig. Hindi niya inaakalang magagawa iyon ng kanyang kaibigan. “Bakit hindi niya sa akin sinabi ng harapan kung matapang talaga siya, humanda siya at magtutuos kami, Salamat sa ibinalita mo Hulia” sambit ni Aling Rosing.
Lumisan si Hulia na nakatawa at nag-iisip ng panibagong plano. Sa kanyang paglalakad pauwi, nasalubong niya si Aling Pacing at kinausap niya ito. “Aling Pacing may aaminin ako sayo ang kaibigan mong si Aling Conching ay may isiniwalat sa akin, sinabi niyang ubod ka raw ng kuripot at napakadamot niyo raw sa mga kamag-anak mo. Napanganga si Aling Pacing. Kumunot ang noo. “Itinuring ko siyang parang kapatid, tapos puro paninira ang isusukli niya sa akin. Magdasal na siya at baka paglamayan na siya, salamat sayo Hulia” ani ni Aling Pacing. Dali-daling iniwan ni Hulia si Aling Pacing na nanginginig sa galit. Umuwi siyang nakangiti at tila tagumpay sa plano.
 Sa kanyang bahay nadatnan niya si Aling Conching na naghihintay. “Ano pong sadya niyo ditto?” tanong ni Hulia. “Gusto ko lang makibalita” pahayag ni Aling Conching. “Huwag po kayong mabibigla sa nalaman ko, kumalma po kayo, ang kaibigan niyong si Aling Rosing ay pinararatangan kayong batugan at daldalera. Napaluha si Aling Conching. Nabasag niya ang plorera sa sobrang gigil at galit. “Hindi man lang niya ginalang ang pinagsamahan namin. Magsimba na siya at matitikman niya ang ganti ng KARMA.” Bulalas ni Aling Conching. Hinatid ni hulia ang ale pauwi. Nagpasalamat ito sa impormasyong inihatid ng dalaga.
Kinabukasan, nagkaroon ng piging sa bahay ng gobernador. At sa hindi inaasahang pagkakataon nagkita ang tatlong magkakaibigan na may poot sa dibdib at may sama ng loob sa isa’t isa. Kinompronta ni Aling Rosing si Aling Pacing, ngunit sinabi nitong kailanman hindi siya naglihim dito at hindi alam ang pinagsasabi ni Hulia. Sunod namang kinausap ni Aling Pacing si Aling Conching, sinabi niyang hindi niya ito kayang husgahan dahil tanggap niya ito. Panghuli si Aling Conching nilapitan niya si Aling Rosing, sinabi nitong nirerespeto niya ito at hindi kayang manira ng kapwa.Pagkatapos marinig ang panig ng isa’t isa. Nalinawan ang tatlo. Nagyakapan ang tatlo. Humingi ng tawad sa isa’t isa. Doon lamang nila nahinuha na nagsisinungaling si Hulia. Plano niyang pagsabungin ang 3. Kaya’t sinugod nila si Hulia sa kanyang bahay. Ngunit wala ito at tila naglayas. Nagtanong sila sa mga tao, at may nagturong nasa abandonadong gusali ito. Pinuntahan nila ito at natunton nila ang dalaga. Nagsisigaw ang tatlo. “Lumabas ka riyan, walang hiya ka, ang kapal ng mukha mong gumawa ng kuwento” hiyaw ni Aling Rosing.
Lumabas nga si Hulia, ngunit kumaripas ng takbo. Hinabol siya ng 3. “Sige lang takbo lang, kahit saan ka magtago mahahanap ka pa rin  namin” banta ni Aling Pacing. “Oo nga pag naabutan ka naming, ipasusunog kita sa harap ng taumbayan”” pagsisindak ni Aling Conching. Hanggang sa nakaabot sila sa Kubo ni Tandang Bruho. Isang albularyong nagtataglay ng itim na kapangyarihan at sumasamba sa kadiliman. Pumasok si Hulia at nagmakaawang tulungan siya nito. “Papayag ako ngunit kapalit nito ang pagiging tao mo” ani ng matanda. “Oo kahit na ano basta maitago mo lang ako sa mga tao at hindi nila ako mahanap” pagmamakaawa ni Hulia. Sinimulan ng matanda ang ritwal. Pagkatapos ay tila naging isang malaking butiki  si Hulia.
 Samantala ang 3 ay nagdala ng gwardya sibil sa kubo, sinipa ang pinto ngunit ang matanda lang ang kanilang nakita. Umuwing bigo ang 3 at isinumpang magdudusa habambuhay ang taksil na si Hulia. “Anong nangyari sa akin?” tanong ni Hulia. “Diba yan ang nais mo anh hindi makita ng tao, may kakayahan ka nang magpalit ng kulay o magbalatkayo (umayon ang kulay sa kulay ng kapaligiran) ngunit kaakibat nito ang lagi mong pagtango na simbolo ng pagsang-ayon mo sa lahat ng bagay” paliwanag ng matanda. “Hindi ito ang hiniling ko, ibalik mo na ako sa dati, ayoko ng ganito”” pangungulit ni Hulia. “Hindi na maaaring baliin ang kasunduan, pumayag ka noong una pa lang. Ayaw mo nyan maririnig at makikita mo lahat nang walang nakakapansin sayo. Mula ngayon tatawagin ka ng HULYANGO dahil lagi kang tumatango at nagbabalatkayo” sambit ng matanda.
Sa paglipas ng panahon, sa patuloy na pagsasalin-salin ng kuwento ang HULYANGO ay napalitan na  ng HUNYANGO. Hanggang sa kasalukuyang panahon nakikita pa rin ang mga maiilap na hunyango. Minsan nasa puno, minsan katabi mo.
ARAL:
1. Ang Taong naniniwala sa sabi-sabi walang tiwala sa sarili.
2. Ang taong mapagbalatkayo, laging nabibigo at walang nakakasundo.



Image result for hunyango image








Tauhan:
Aling Rosing, Aling Conching, Aling Pacing
Image result for first wives club
Tandang Bruho
Image result for dracula


HULIA
Image result for mean girls rachel mcadams

Comments